歌词:
Pagmulat ng mata agad kong naalala
Kagabe sinabi mo ayaw mo na
May mali ka bang nakita may mali bang nagawa
Bigla na lang naisip mo ayaw mo na
Lahat ng gusto mo tamang sunod ako
Nagtataka bakit biglang ayaw mo na
Binigla mo ng lubusan nang ako'y iyong iwanan
Isang iglap naisip mong ayaw mo na
Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong..
Sumigaw..
Palabas..
At sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo..
Palayo..
At iiwanan ang alaala mo
Nanginginig nalulungkot
Nahihibang at tulala
Pagod na yata ang ngiti nauubos din ang tuwa
Nagiisa umiiyak
Nahihirapang huminga
Pagod na yata ang ngiti nauubos din ang tuwa
Nanginginig nalulungkot
At kung hindi nababaliw
Sana sa paggising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi nababliw
Ipipilit sa sarili na hindi ako nagkamali